Tuesday, January 4, 2011

GAMPANIN NG CHOIR



1. Tamang pag-awit ng mga bahagi ng Liturhiya na Dapat Awitin.
     -   Ang kanta ay umaangkop sa misa at tema at nakakanta ng mga tao.

2. Palaganapin ang aktibong pakikilahok at hikayatin ang mga tao na
         makibahagi sa pagtugon at pag-awit sa mga banal na pagdiriwang.
     -   Basehan ng mahusay na choir ay ang mapakanta ang mga tao.
     -   Kasama din ang choir sa mga pagtugon sa misa


3. Maglaan ng sapat na panahon upang magsanay at pumili ng angkop 
         na awit.
     -   Kasama dito ang pag-produce ng kopya o lyrics para sa mga tao 
         para madali silang makasunod.
     -   Maglaan din ng panahon para sa mga Seminar at Workshop 
         upang magkaron ng dagdag kaalaman at inobasyon
     -   Angkop na awit sa diwa ng panahon


4. Isaalang-alang ang prinsipyo ng Progressive Solemnity sa mga 
         Pagdiriwang.
     -   Ang Misa ng Linggo ay mas espesyal kaysa sa Ordinaryong Araw.
     -   Mga hindi Kailangan Laging kinakanta tuwing Ordinaryong Araw 
         ay ang Kordero, Santo, Hosana, Amen(Amen, amen, amen 
         Aleluya...Purihin ang Diyos...)
     -   High Mass o misa na may solemnidad o kapistahan, ang 
         pinakamahalaga ay ang mga Dakilang Kapistahan at sumunod 
         naman ay ang Kapistahan ng mga Patron. Lahat ng mga kanta sa 
         misa ay dapat awitin.


5. Laging magtanong sa Pari.
     -   Ang pari na nagmimisa ay siyang pangunahing Liturgist.

* SOURCE: AUGUST 28,2010 - Vicariate of San Jose's First Vicarial Seminar and Workshop on Liturgy for Choirs, Sacred Heart of Jesus Parish  by Rev. Fr. Renato "RJ" Brion(Guest Speaker)

Rev. Fr. Renato "RJ" Brion, Assistant Chairman-Diocesan Commission on Liturgical Music



No comments:

Post a Comment

Followers